Alice Guo, maraming dapat ipaliwanag kay PBBM tungkol sa operasyon ng POGO

Nais malaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula kay dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo mismo kung papaanong lumaki ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Pangulong Marcos, imposible at mahirap paniwalaan na hindi alam ni Guo ang nangyayari lalo na’t iligal at malaki ang operasyon nito habang ilang metro lang din layo nito sa kanyang tanggapan.

Marami rin aniyang mga tanong na dapat sagutin si Guo tulad ng kung paano siya yumaman at paano siya naging municipal mayor gayung hindi naman siya kilala ng mga residente roon.


Payo ng pangulo kay Guo, mas maigi aniyang sagutin na nito ang mga katanungan dahil lalong bibigat pa ang problema ng dating alkalde kung hindi siya magsasabi nang totoo.

Kumpiyansa naman daw si Pangulong Marcos ilalantad ni Guo sa mga mambabatas kung paano nagkaroon at lumaki ang operasyon ng POGO sa Bamban.

Facebook Comments