Alice Guo, may death threat umano kaya nagtago sa Indonesia

Nakakatanggap umano ng banta sa kanyang buhay si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaya siya nagtago sa Indonesia.

Ito ang inihayag ni Guo matapos syang iharap kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. makaraang makipagpulong kasama ang Indonesian Police sa Jakarta, Indonesia kahapon.

Sa video mula sa Facebook page ni Abalos dinig ang paghingi ng tulong ni Guo sa kalihim.


Positibo naman ang naging tugon ng kalihim kung saan maririnig din ng bahagya sa video na kaya umano ito kumuha ng private plane.

Una nang tiniyak ni Guo na handa nyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y koneksyon nito sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations.

Kasama ni Abalos sa Indonesia si Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil kung saan sila ay nagpasalamat sa kooperasyong ibinigay ng kanilang Indonesian counterparts.

Facebook Comments