Alice Guo, naghain ng ‘not guilty’ plea sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC

Naghain ng ‘not guilty’ plea ang kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167 sa kaso nitong qualified human trafficking.

Si Guo ay nag-plea ng not guilty sa pamamagitan ng videoconference habang dumalo naman sa korte ang isa sa mga abogado ni Guo na si Atty. Nicole Jamilla.

Ayon kay Atty. Jamilla, wala talaga kasing partisipasyon si Guo sa nasabing krimen.


May kinalaman ang kaso ni Guo sa inihaing reklamo ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Kasunod ito ng pagkakarescue sa walong daang mga Pinoy at mga dayuhan sa POGO hub sa Bamban, Tarlac

Bukod sa kasong human trafficking, nahaharap din si Guo sa kasong graft sa korte sa Valenzuela City.

Facebook Comments