Alice Guo, nasa Indonesia pa rin

Tiwala ang Bureau of Immigration (BI) na nasa Indonesia pa rin ang sinibak na si dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon sa BI, bukod sa dating alkalde ay nasa Indonesia pa rin ang isa sa kapatid nitong si Wesley.

Sa ngayon, naghihintay pa ang BI ng updates mula sa kanilang counterparts sa Indonesia kaugnay sa biyahe ng dalawa.


Hindi pa rin daw nagtatangkang umalis ng bansa ang dalawa sa kabila ng pagkaka-aresto sa kanilang kasama at kapatid na si Shiela Guo at Cassandra Ong.

Facebook Comments