Alice Guo o Guo Hua Ping, nasa Jakarta, Indonesia –BI

Tukoy ng Bureau of Immigration (BI) na nasa Jakarta, Indonesia pa si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na mula sa latest reports na natanggap niya kagabi, mula sa Batam ay lumipat sa Jakarta si Guo.

Tinitiyak ni Tansingco na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para maibalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon si Alice Guo.


Tuluy-tuloy aniya ang operasyon at pakikipag-ugnayan ng BI sa Indonesian Immigration at nakaantabay na rin sila para sa hiling na deportation kay Guo pabalik ng Pilipinas.

Sa kabilang banda, wala namang masyadong mapiga ang mga senador sa kung saan ang kinaroroonan ng mga kapatid ni Shiela Guo na sina Wesley Guo at Alice Guo.

Ayon kay Shiela, bago siya ma-intercept ng mga awtoridad, August 18 nang dumating silang tatlo ng Indonesia at dito ay nagdesisyon sila na maghiwa-hiwalay muna.

Hindi rin aniya sinabi sa kanya ng mga kapatid kung saan sila pupunta o mananatili habang magkakahiwalay.

Balak din aniya nilang bumalik sana sa Singapore ngunit naudlot dahil nahuli na siya at wala rin aniya siyang contact sa mga kapatid mula nang makabalik dito sa Pilipinas.

Facebook Comments