
Nababahala si Senator Risa Hontiveros sa panibagong “Alice Guo Part 2”.
Kaugnay ito sa pagdakip ng Bureau of Immigration (BI) sa isang Filipino-Chinese na negosyanteng si Joseph Sy na napaulat na nahulihan ng mga illegally-acquired na Philippine identity documents.
Natuklasan pa ni Sy ay nagawang makapasok sa Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary.
Giit ni Hontiveros, parang Alice Guo Part 2 lamang ito dahil sa pekeng passport at pekeng ID ng nagpapanggap na Pilipino —ibig sabihin buhay pa rin ang mga iregularidad sa pagpoproseso ng nasyunalidad.
Nangangamba ang mambabatas na dahil nakapasok ito sa PCGA ay maaaring nagka-access ito sa mga tao at impormasyon na may kinalaman sa ating national security.
Kinukwestyon din ni Hontiveros kung negosyo ba talaga ang pakay ni Sy dahil noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pumasok ito sa partnership sa pagitan ng Chinese State-owned enterprise na Baiyin Nonferrous Group Co., Ltd.
Nakapaloob dito ang kasunduan tungkol sa mining operations sa Palawan, isang sensitibo at strategic location dahil sa patuloy na territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China.









