Alice Guo, posibleng mahuli na sa Indonesia

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na hindi na makalalabas pa ng Indonesia si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Gatchalian na posibleng tumbukin ni Guo ang golden triangle o Cambodia, Myanmar, at Lao.

Pero sabi ng ASEAN ambassadors, nakaalerto na aniya ang mga awtoridad sa naturang mga bansa kaya mahihirapang gumalaw si Guo sa South East Asia.


Ayon kay Gatchalian, end of the road na ito ni Guo at iba pang mga kasabwat sa POGO.

Kaya mas makabubuti kung sasabihin na nila Sheila Guo at Cassanda Li Ong kung paano nabuo ang POGO hub sa Porac at Bamban at kung papaano nakapasok si Guo sa bansa.

Ito aniya ang magiging basehan para mailatag ng gobyerno ang malakas na kaso laban kay Guo at iba pa nitong mga kasamahan.

Facebook Comments