Alien projects sa ilalim ng proposed DPWH 2024 budget, isiniwalat sa budget hearing ng Kamara

Mayroon umanong mga “alien projects” na ipinasok ng ilang indibidwal sa panukalang pondong nakalaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon.

Isiniwalat ito ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa 2024 proposed budget para sa DPWH na nagkakahalaga ng mahigit ₱821-B.

Sabi ni Lagman, ang nabanggit na mga “alien projects” ay hindi umano dumaan sa validation at scrutiny ng district engineering offices ng DPWH.


Binanggit ni Lagman na ang nabanggit na mga proyekto ay lagpas din sa sinusunod na ceiling sa pondo ng bawat congressional district para sa infrastructure projects na nakabatay sa pamantayan o standards.

Bilang tugon ay nagpahayag naman ng kahandaan si Public Works Secretary Manuel Bonoan, na sumailalim sa “errata process” o period of realignment upang linisin ang “alien projects” at bilang preparasyon sa pinal na bersyon ng budget.

Binanggit din ni Secretary Bonoan na sa preparasyon ng budget ay tiniyak ila na “fully coordinated” ang mga proyekto sa mga distrito ng mga miyembro ng Kongreso.

Facebook Comments