Naghahanap ng paraan ang pamahalaan para mabago ang pananaw ng ilan sa mga Pilipino hinggil sa bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., mahalagang mabago ang mindset ng mga tao sa COVID-19 vaccine para matiyak na masusunod ang National Vaccine Roadmap.
Sa ilalim ng roadmap, target na mabakunahan ang nasa 70 milyong Pilipino sa loob ng limang taon para makamit ang herd immunity.
Para maisakatuparan ito, ipinaprayoridad ng gobyerno ang vaccine companies na maaaring magsagawa ng clinical trials sa bansa para ipakita sa mga tao na ang inaalok nilang bakuna ay ligtas at epektibo.
Aminado si Galvez, maraming Pilipino pa rin ang nag-aalangang o natatakot magpabakuna dahil sa kontrobersiya ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Sa ngayon, bina-validate ng pamahalaan ang 17 candidate vaccine mula sa 10 bansa.