Wala nang rehiyon sa bansa ang nasa high risk level dahil sa COVID-19.
Ayon sa OCTA Research Team, mas mababa na ng 50% ang average daily cases sa National Capital Region (NCR) nitong November 1 hanggang 7 kumpara sa sinundan nitong linggo.
Tanging ang Cordillera Administrative Region (CAR) o Region 2 o Cagayan Valley na lamang ang moderate risk ang kaso.
Nakikitaan na rin ng pagbuti ang ibang lugar na dating itinuturing na kritikal gaya ng Lubang sa Occidental Mindoro at Dumaguete.
Pero kahit magandang balita, muling nagpapaalala ang Department of Health (DOH) na hindi dapat magpakampante ang publiko lalo na ngayong mas marami na ang maaaring lumabas ng tahanan.
Bagama’t batid ng DOH na lahat ay sabik nang makapamasyal, mahalaga pa rin na pairalin ng bawat isa ang pagiging responsible.