Alisah Bonaobra at Myko Mañago, sobrang natuwa sa kanilang bagong duet song na “Pangako”

Labis-labis na tuwa at excitement ang naramdaman nina X-factor UK finalist at The Voice Philippines 1st runner-up Alisah Bonaobra at Tawag ng tanghalan 3-time Defending Champion at Wowowin Semifinalist Myko Mañago matapos na sila ang napiling kumanta ng “Pangako.”

Ang nasabing kanta ay isinulat ni Arnie Mendaros sa ilalim ng RJA Productions, LLC.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng DZXL 558 Radyo Trabaho, sinabi nina Alisah at Myko na hindi nila inaasahang magkakaroon sila ng duet song.


Anila, tiyak na marami ang makaka-relate sa kanta dahil na rin sa maganda nitong istorya.

Inihalimbawa nila ito sa iba pang classic OPM songs nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na magiging paborito rin ng mga music lovers.

Mapapakinggan ang “Pangako” sa lahat ng mga major streaming platform sa buong bansa sa ilalim ng RJA Productions, LLC.

Samantala, mapapakinggan at mapapanuod din sina Alisah at Myko sa kanilang online show tuwing Miyerkules, ang “Winner ka sa RJA.”

Facebook Comments