Alisin sa Bilibid at isailalim ng WPP, hirit ng quad committee ng Kamara para sa testigo na si dating BOC intel officer

Nagpasya ang quad committee ng Kamara na alisin sa New Bilibid Prisons at ilipat sa kustodiya ng House of Representatives si dating Customs Intelligencer Officer Jimmy Guban na nais din nilang isailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Ayon House committee on Public Order and Safety Chairman Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez, mahalaga si Guban sa ginagawang imbestigasyon ng quad committee ukol sa Extra Judicial Killings (EJK) sa ilalim ng administrasyon, operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators at war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Bukod dito ay hirit din ng quad committee na isailalim sa WPP si Guban dahil mabibigat ang mga testimonya na maaring makaapekto sa kanyang kaligtasan.


Pero habang inaasikaso ang mga papeles para malipat ng kulungan si Guban at maisailalim sa WPP ay nangako si pagdinig si Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., na iingatan muna nya ito sa kanyang kustodiya.

Bukod dito ay papayagan din si Guban na makagamit ng telepono at upang matawagan ang mga kailangan nyang kausapin na maaring magkalap ng mga dokumento na susuporta sa kanyang testimonya.

Facebook Comments