ALITAN SA INUMAN, NAUWI SA PANANAKSAK; 2 SUGATAN

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawang binata matapos saksakin ng kapwa binata kahapon, ika-9 ng Hunyo sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na sina Romnick Dela Cruz, 24-anyos, at residente ng Brgy. Minante 2 at si Mark Angelo Lucas, 22-anyos, at residente ng Brgy. Minante 1 sa nasabing lungsod.

Habang kinilala ang suspek na si alyas “Jeffrey”, 21-anyos, at residente ng Brgy. Turayong sa siyudad ng Cauayan.


Watch more balita here:PAGPAPADALA MULI NG BASURA, PLINAPLANO NG NORTH KOREA

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nag-iinuman ang mga biktima at suspek sa magkahiwalay na lamesa kung saan abalang kumakanta sa videoke ang nobya ni Mark Angelo at dito paulit-ulit na tinatanong ng suspek ang kanyang pangalan.

Hindi nagtagal ay napikon si Mark Angelo sa suspek at hinila nito ang damit ng suspek at hinampas ng pitsel ang kanyang ulo.

Agad na nagtungo ang suspek sa labas upang kumuha ng kutsilyo at ipinagpatuloy ang pakikipag-away sa biktima nang biglang dumating ang isa pang biktima upang umawat ngunit nasaksak siya ng suspek sa kanyang kaliwang tadyang habang natamaan naman sa kaliwang kamay ang isa pang biktima.

Agad na dinala sa pagamutan ang dalawang biktima para sa medikal na atensyon habang nasa pangangalaga ng Cauayan City Police Station ang suspek para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments