Alitan sa pagitan nina Albayalde at Magalong, umiinit!

Naghihimutok sa galit si PNP Chief, Police General Oscar Albayalde kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ito ay matapos sabihin ni Magalong na pinigilan umano ni Albayalde ang pagpapatupad ng dismissal order laban sa mga dati niyang tauhan sa Pampanga Police na nasasangkot sa drug recycling.

Tanong ngayon ni Albayalde – bakit pinabayaan ni Magalong na noo’y pinuno ng PNP-CIDG ang kaso.


Dagdag pa niya – kung alam na dati ni Magalong na may iregularidad na pa lang nangyayari ay bakit ngayon lang niya ito isiniwalat at hindi sila kinasuhan.

Tugon sa kanya ni Magalong – gusto lamang niya talaga malaman ang tunay na nangyari.

Kinuwestyon ni Magalong na mula sa dismissal ay naging demotion na lamang ang ipinataw sa mga umano’y ninja cop.

Pero duda rin si Albayalde sa mga motibo ng pagdidiin sa kanya ni Magalong.

Itinanggi naman ni Magalong na may motibo siya.

Hinamon naman ni Albayalde si Magalong na maglabas ng ebidensya sa alegasyong nagkaroon ng SUV ang mga pulis.

Nanindigan din si Albayalde na hindi siya magre-resign.

Facebook Comments