Manila, Philippines – Maglalabas ng alituntunin ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa ipatutupad na pag aarmas ng mga Barangay Chairman sa buong bansa.
Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya ,layon nito na matiyak na tama at naaayon ang implementasyon nito.
Aniya maglalabas ng direktiba ang DILG pagkatapos mapakinggan ang pananaw ng iba’t ibang stakeholders sa usapin ukol dito.
Alinaunod sa sa Section 387 ng Local Government Code ,pinapayagan nito ang pag iisyu ng armas sa mga Barangay officials.
Binibigyan ng kapangyarihan ng batas ang punong barangay na mag armas habang ginagampanan ang kanyang tungkulin lalo na sa pagpapatupad ng peace and order sa kanyang lugar.
Sa sandaling mailabas na ang guidelines ng DILG ,maaari na ring mag issue ng firearms ang LGUs sa barangay captains.
Giit pa ni Malaya na Mas binibigyang halaga ng pamahalaan ngayon ang tiyak na kaligtasan at seguridad ng mga barangay at mga residente.