Alituntuning susundin bago makapasok ang isang foreigner sa Pilipinas, dinagdagan pa ng IATF

Mananatili pa rin ang restriksyon ng mga foreigners na pumapasok sa Pilipinas sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Kasunod ito ng pinagtibay na bagong Resolution No. 113 ng Inter-Agency Task Force (IATF) na naglalaman ng mga panibagong alituntunin bago makapasok ang isang foreigner sa bansa.

Kasama rito ang una; kailangang mayroong valid at existing visa sa pagpasok sa bansa maliban na lamang sa mga foreigners na kwalipikado sa Balikbayan Program.


Pangalawa; kailangang makapagpre-booked na ng akomodasyon sa isang quarantine hotel / facility nang hindi bababa sa pitong gabi.

Pangatlo; kung nasa quarantine hotel / facility ay kailangang sumailalim sa COVID-19 testing sa ikaanim na araw simula ng pagdating nito sa bansa.

At pang-apat; kailangang maisailalim sa maximum capacity ang mga papasok na pasahero alinsunod sa port at petsa ng kanilang pagpasok.

Mananatili naman ang mga dating resolusyon na ipinatupad ng IATF at may restriksyon pa rin sa mga bumibiyahe mula sa India hanggang sa May 14.

Facebook Comments