Alkalde ng Antipolo City, isinugod sa pribadong hospital

1058

Isinugod sa isang pribadong pagamutan si Antipolo City Mayor Andrea Ynares.

Ito ang kinumpirma ng kanyang asawa na si dating Rizal Governor Jun Ynares sa isinasagawang bakunahan ng COVID-19 sa Antipolo Hospital System sa Barangay Mambugan, Antipolo city


Ayon kay dating Governor Ynares, dahil sa abdomonal pain ang pagkakasugod sa hospital kay Mayor Ynares at walang kinalaman sa COVID-19.

Ang pahayag ay ginawa ni dating Governor Ynares dahil hindi nagpakita ang alkalde sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Antipolo City.

Facebook Comments