ALKALDE NG BAYAN NG MAPANDAN, NAGPAPAALALA SA MGA RESIDENTE NA MAG-INGAT SA MGA CASH INVESTMENT SCAM

Nagbigay ngayon ng paalala ang alkalde ng bayan ng Mapandan matapos madawit ang pangalan nito sa isang cash investment scam.
Ayon sa FB post ni Mayor Karl Christian Vega, nalulungkot umano ito dahil nadawit ang pangalan na diumano ay namuhunan ng malaking halaga ng pera sa isang “Ponzi Scheme,” na isang isang cash investment scam kung saan nangangako umano ito ng malaking kita sa pera sa maikling panahon lamang.
Dahil dito, naglabas ng pahayag ang alkalde kung saan binigyan ng opisyal ang mga kababayan nito ng babala na maging maingat at mas mag ingat sa pagpasok sa mga kahina-hinalang aktibidad sa pamumuhunan.

Nananawagan ito sa lahat ng sinumang entidad o abogado ng naturang mga scam na huwag gamitin ang kanyang pangalan.
Sinabi din ng alkalde na kanya itong idudulog sa abogado nito maging sa mga awtoridad sa batas para sa anumang mga kinakailangang aksyon na maaaring gawin laban sa mga gumawa ng mga scam na ito sa bayan, lalo na umano sa mga nagdawit ng kanyang pangalan. |ifmdagupan
Facebook Comments