Sinampahan ng kasong graft sa Sandiganbayan ang Alkalde ng Cagayan at ang 9 na iba pa kaugnay ng maanomalyang pagbili ng fertilizer noong 2004.
Kinasuhan sina Tuao Mayor Francisco Mamba Jr. Vice Mayor William Mamba, administrator Frederick Baligod, Municipal Treasurer Rodolfo Cardenas, Administrative Assistants Merlinda Dayag at Jose Palacpac, Accounting Clerk Anabel Turingan, Agricultural Officer Teresita Espinosa, Clerk Juliana Filipina Padilla, at Agricultural Technologists Leticia Acob at Petra delos Santos.
Kasama rin sa kaso si Ramon Aytona ang kinatawan ng Feshan Philippines na nahaharap sa isang kaso ng graft.
Nagsabwatan umano noong Abril hanggang Hulyo 2004 ang mga akusado sa pagbili ng 3,333 bote ng Bio-Nature Liquid Organic Fertilizers sa halagang P1,500 kada bote mula sa Feshan Philippines na may kabuuang halagang P4.9 Million.
Ayon sa prosekusyon hindi dumaan sa public bidding ang pagbili at walang paliwanag na ibibigay kung bakit direct contracting ang ginamit na proseso ng mga akusado.