Alkalde ng Cauayan City, Isabela, Seryosong Iprinisinta ang Cityhall bilang Regional Government Center ng Cagayan Valley!

*Cauayan City, Isabela-* Seryoso umano si City Mayor Bernard Dy na iprisinta ang Cityhall ng Cauayan City na pwedeng maging Regional Government Center ng buong Lambak ng Cagayan kung sakaling matuloy ang Federalismo.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, plano umano ito ng mga LGU’s na ilipat ang Regional Government Office mula sa Tuguegarao City dito sa Lungsod ng Cauayan.

Bukod pa rito ay magtatayo na rin umano ang Lungsod ng Cauayan ng mga Regional Satellite Offices at inaasahan namang susuportahan ito ng Lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino.


Mas mainam lamang umano na dapat sa centro ng ating rehiyon mailagay ang Regional Government Office ng Cagayan Valley.

Kaugnay nito ay sa brgy. San Luis na umano ipapatayo ang bagong Cityhall ng Lungsod ng Cauayan na magiging Regional Government Center na rin ng Rehiyon dos.

Facebook Comments