Pormal na inilunsad kahapon ang Sulong ang Pag-unlad Movement (SAP-M) .
Pinangunahan ang Launching ng SAP-M Usec Mitch Cajayon-Uy bilang National Chaiperson at Director Rehan Balt Lao bilang SAP-M National President. Isinagawa ito sa Kalayaan Hall, Club Filipino. Bisita sa okasyon si Presidential Communications Operations Office PCCO Sec. Martin Andanar.
Ang SAP-M ay isang non-stock at non-profit organization, na naglalayung makatulong sa Small and Medium Enterprises , makatutok sa Anti-Corruption and Good Governance at naglalayung matugunan ang ang mga pangangailangan ng mga kabataan, kababaihan, PWD at mga senior citezen.
Opisyal na ring nanumpa ang mga naitalagang National , Regional at Provincial Chairman ng SAPM.
Nagpapasalamat naman si Datu Abdullah Sangki Maguindanao Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu matapos na maitalagang Provincial Chairman ng SAPM. Napakalaki aniya itong karangalan kaakibat ng malaking responibilidad dagdag ng Alkalde.
Ilang mga kilalang personalidad rin ang dumalo at nanumpa bilang opisyal at myembro ng SAPM. Ang SAPM ay nabuo para tulungan rin ang mga inisyatiba ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go .
PIC Courtesy: SM FB