Alkalde ng Datu Odin Sinsuat pumanaw dahil sa karamdaman

Nagluluksa ngayon ang halos ng mga taga Maguindanao matapos mapabalita ang pagpanaw ni Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Ombra Sinsuat Sr.
Sa impormasyon mula sa kanyang mga kaanak, pasado alas 4 kahapon hapon ng binawian ng buhay si Mayor Sinsuat dahil sa karamdaman habang nasa St. Lukes Hospital.
Itinuturing namang kawalan bilang isa sa mga nirerespetong haligi ng Political Clan si Mayor Sinsuat sa lalawigan.
Si Mayor Sinsuat ay ama ng kasalukuyang Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat.
Nakatakda namang dalhin ang mga labi ni Mayor Sinsuat sa kanyang tahanan sa Dalican.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga opisyales di lamang mula Maguindanao maging Bangsamoro Government maging National Officials sa pagpanaw ni Mayor DOS.

Facebook Comments