Alkalde ng Iligan nababahala na sa paglobo ng bilang ng may sakit na HIV sa lungsod

ILIGAN CITY , PHILIPPINES- Nababahala si Iligan City Mayor Celso Regencia sa paglobo ng bilang ng mga may sakit na Human Immunodeficiency Virus o HIV sa lungsod.
Ito’y matapos nakarating sa kanya ang impormasyon na isa ang lungsod ng Iligan sa may pinakamaraming may sakit na HIV.
Ayon sa alkalde, mas malaking pasabog pa sa bomba ang nasabing impormasyon sapagkat pawang mga bata pa ang bikitima ng naturang sakit. Kayat hinimok ni Mayor Regencia ang mga iliganon na ugali-in ang pag-iingat lalong-lalo na sa mga mahihilig sa panandali-ang aliw.
Inutusan na rin ng alkalde ang city health office na magsagawa ng kampanya at ipaalam sa publiko kung anong uring sakit ang HIV sa pamamagitan ng radyo, telebisyon at sa mga social media na patok.

Facebook Comments