Alkalde ng Iligan nanawagan sa mga miyembro ng kapulisan na huwag maging sangkot sa illegal na droga at korapsyon

141

Iligan City, Philippines- Nanawagan si Iligan City Mayor Celso Regencia sa mga miyembro ng kapulisan sa lungsod na huwag maging sangkot sa kahit ano mang kremin, illegal na druga at korapsyon.  Ito’y sa kabila ng pagdami ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na naging sangkot sa mga illegal na gawain lalong lalo na sa korapsyon.  Sinabi ng alkalde sa harap mismo ng mga opisyal at tauhan ng pnp iligan na huwag bahiran ng kahihiyan ang magandang imahe ng PNP Iligan sa pagkakasangkot ng mga illegal na gawain.  Handang sumuporta si Regencia sa kahit ano mang hakbang ng PNP Iligan para sa ikabubuti ng kanilang hanay at sa proteksyon ng mga iliganon laban sa mga masasamang loob.  Sa ngayon ay nananatiling pinaigting ng kapulisan ang seguridad ng mga iliganon laban sa banta ng terorismo sa nagpapatuloy na kagulohan sa marawi city. (GHINER L. CABANDAY, RMN DXIC ILIGAN)

Facebook Comments