Alkalde ng Kasibu, Nueva Vizcaya, Igiinit na may Paglabag sa Kalikasan ang Minahan ng Oceana Gold Phils.

*Cauayan City, Isabela*- Iginiit pa rin ng alkalde ng Bayan ng Kasibu sa Probinsya ng Nueva Vizcaya na may ginawang paglabag ang malaking minahan na Oceana Gold Philippines na nakabase sa Brgy. Didipio, Kasibu,Nueva Vizcaya.

Ayon kay Mayor Romeo Tayaban, ang Standard Operating Procedure ng kumpanya ay Australian standards pero yung distance aniya ng operasyon nito sa community ay nasa 100 hanggang 200 metro lamang.

Dagdag pa niya, na malaking abala sa tao ang ginagawang pagmimina dahil bukod sa nakakasira sa kalikasan ay hatid pa nito ang polusyon.


Pagkukumpara pa nito na hindi tulad sa bansang na milya ang layo ng minahan sa komunidad.

Nagpasaring pa rin ang alkalde sa pamunuan ng Mines Geosciences Bureau na ito ay hindi panig sa publiko kundi panig lamang sa nasabing kumpanya ng minahan.

Itinanggi naman ni Mayor Tayaban na wala siyag alam sa maruming tubig dulot ng Camgat Surong River kung saan may small-scale mining na dahilan din umano ng kung kaya’t dumudumi ang bahagi ng nasabing ilog.

Nakiusap naman ito sa kanyang mga kababayan na mangyaring isipin pa rin ang kani-kanilang miyembro ng pamilya para sa susunod na henerasyon.

(Photo Courtesy to the owner)

Facebook Comments