Alkalde ng Mandaluyong City, hiniling sa sangguniang panglungsod na suspendihin ang ‘Riding in Tandem Ordinance’

Inihayag ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos na sumulat ito sa tanggapan ng kanyang Bise Alkalde upang hilingin ang pansamantalang suspensyon ng impelementasyon ng “Riding in Tandem Ordinance”.

Ito aniya ay makatutulong sa maraming mamamayan na gumagamit sa kasalukuyan ng motorsiklo sa pagbiyahe at maibsan ang kakulangan sa pampublikong sasakyan.

Ang Riding in Tandem kasi ay isang lokal na batas sa lungsod ng Mandaluyong na nagbabawal ng magka-angkas na parehong lalaki sa motorsiklo.


Paliwanag ng alkalde, makakatulong ito hindi lang sa mga motorcycle rider ng lungsod, kung ‘di kasama na rin ang ibang kababayan na dadaan ng Mandaluyong City na gamit ang motosiklo na may angkas.

Kahapon, inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinapayagan na nito ang pag-angkas sa motorsiklo simula July 10, 2020, matapos itong ipagbawal dahil sa ipinairal na community quarantine.

Facebook Comments