Alkalde ng Manila suportado ang ipinaglalaban ng mga labor groups

Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na suportado niya ang ipinaglalaban ng mga labor groups kasabay ng pahayag na tutulungan niya ang mga ito para na rin sa  pag unlad ng bansa.

Ang paniniyak ay ginawa ni Estrada  matapos na magpasalamat sa kanya ng personal ang Nagkakaisang Mamumuo sa Suyapa Farm NAFLU- KMU  dahil sa  pagbibigay ng pagkakataon ng alkalde sa grupo na makapagrally sa Liwasang Bonifacio ng tatlong buwan upang ipaglaban ang dagdag sahod at benepisyo.

Payapa namang nilisan at bumalik sa kanilang Lalawigan ang mga magsasaka matapos na makipagpulong kay Labor Secretary Silvestre Bello III.


Giit ni  Estrada nasa batas na dapat na bigyan ng lugar at pagkakataon ang mga workers upang ihayag ang kanilang mga karaingan.

Facebook Comments