Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuang lungsod ng Maynila ang isyu ng posibilidad na pagtatapon ng lungsod ng Quezon ng kanilang basura sa Vitas Landfill sa Tondo, Manila.
Ayon kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, hindi pa siya nagbibigay-permiso sa sinuman na gawing alternatibong tapunan ng basura ng Quezon City ang Vitas dumpsite.
Sinabi din ng alkalde na wala pa silang usapan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista hinggil sa naturang isyu.
Paglilinaw ni Estrada naiintindihan niya ang sitwasyon ng Quezon City matapos maipasara ng DENR ang Payatas Landfill dahilan para maharap ito sa garbage crisis.
Dahil dito ay pag-aaralan muna ng pamunuang lungsod ng Maynila ang pagpapagamit ng Vitas sa Quezon City.
Facebook Comments