Naniniwala si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na may matitibay na mga basehan ang mga nagkaisang panawagan ng mga Senador na magbitiw na sa tungkulin si Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, batid nating lahat na hindi naman perpekto ang gobyerno ng Pilipinas dahil may sa may matinding krisis na nararanasan ngayon dahil sa COVID-19 pero lahat umano ng problema ay may solusyon na dapat sana agad natugunan ni Secretary Duque.
Inihalimbawa ni Mayor Teodoro ang problema ng Marikina City Government tungkol sa Testing Center na kung agad pumayag ang Department of Health (DOH) noon pa sana ay hindi na ganito karami ang bilang ng mga nagpositibo at agad nagawan ng solusyon ng gobyerno.
Paliwanag ng alkalde na hindi aabot ng ganitong kalala ang sitwasyon kung nasolusyunan kaagad ni Secretary Duque at nauunawaan umano natin lahat na isang malaking hamon ang COVID-19 sa Pilipinas pero kung magtutulungan lang sana ang bawat isa kabilang na ang DOH marahil ay agad matutuldukan na ang naturang krisis na dinaranas natin ngayon.
Giit ni Mayor Teodoro, pinag-iisipan ng husto ng mga senador ang bawat kanilang mga desisyon na kanilang ginagawa at ang 15 mga senador na pumabor para pagbitiwin si Secretary Duque ay mayroong pinagbabatayan na napapanahon na upang magresign ang kalihim dahil sa kapalpakan ng pagtugon nito sa COVID-19 isyu.