Cauayan City, Isabela- Iginiit ni Mayor Nieverose Meneses ng Nagtipunan, Quirino na walang sapat na basehan ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Sa isinagawang Press Conference sa Landingan Viewpoint, Nagtipunan, mariin nitong pinabubulaanan ang kasong Administratibo at pagmamalabis sa kapangyarihan na isinampa ng kanyang dating Tourism Officer na si Lloyd Lozado Toloy.
Tahasang sinabi ng alkalde na walang sapat na ebidensya si Toloy sa kanyang mga paratang.
Tahasan nitong inihayag ang kanyang saloobin na ipaglalaban nito ang pinamumunuang inang bayan mula sa taong nag-alis umano sa kanya sa pwesto.
Sa kabila pa rin ito ng ginawang pagsuspinde ng Sangguniang Panlalawigan ng Quirino sa alkalde ng sampung (10) buwan at labing limang (15) araw matapos mahatulan ng administrative offense of Oppression and abuse of Authority.
Madamdamin rin inihayag ni Meneses ang kanyang pagkadismaya dahil basta na lamang siyang pinatalsik sa pwesto na siyang pumoprotekta sa maraming Nagtipuneros.
Gayunman, kaisa aniya ang kanyang mga katribong Bugkalot na ipaglaban ang bayan ng Nagtipunan.
Samantala, umapela na si Mayor Meneses kay Pangulong Rodrigo Duterte upang paimbestigahan ang mga gawa-gawang paratang laban sa kanya ng mga taong hangad lamang na makuha ang kanyang pwesto upang pamunuan ang Nagtipunan.