Alkalde ng Pasig, humingi ng pang-unawa sa mga empleyado dahil sa maling kompyutasyon ng hazard pay

Pinamamadali ni Mayor Vico Sotto ang pagsasaayos ng hazard pay ng mga empleyado ng City Hall, ito ay kasunod ng mga reklamo ng ilang mga kawani na kulang o may mali sa kompyutasyon ng kanilang mga hazard pay.

Paliwanag ni Sotto, nagkaroon ng system error dahil sa libu-libong entry kada araw ang sinusuri at pinapasok ng kanilang Human Resource Department.

Napagsabihan na umano niya ang responsible dito.


Humihingi naman ng pang-unawa si Sotto sa mga naapektuhang empleyado, kasabay ng pangakong matatanggap nila ang kanilang mga hazard pay sa loob ng 30 araw

Facebook Comments