ALKALDE NG SUAL, ITINANGGI ANG PAGKAKASANGKOT SA KORAPSYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS

Mariing itinanggi ni Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay ang umano’y pagkakasangkot niya sa korapsyon kaugnay ng P286-milyong flood control projects sa bayan, matapos siyang sampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Calugay, walang basehan ang mga paratang at iginiit niyang ginawa lamang ang mga isyu upang siraan at gipitin siya.

Sinabi rin ng alkalde na hindi siya sang-ayon sa anumang uri ng korapsyon at kaisa siya ng publiko sa pagpapalakas ng panawagan para papanagutin ang sinumang tunay na sangkot sa kontrobersya.

Nauna rito, naghain ng reklamo laban kay Calugay at dating Pangasinan 4th District Representative Christopher De Venecia si Jaime Aquino, isang lokal na mamamahayag at lider ng tricycle drivers association, dahil umano sa mga flood control project na itinuturing na “walang silbi”.

Facebook Comments