Alkalde sa Aklan na nakipagrelasyon sa ibang babae at nagkaanak pa, pinatawan ng Ombudsman ng 6 na buwan na suspensyon sa kasong immorality

Manila, Philippines – Anim na buwang pinasususpinde ng Ombudsman sa DILG ang isang alkalde sa aklan dahil sa kasong “immorality.”

 

Sa isinagawang imbestigasyon ng Public Assistance and Corruption Prevention Office ng Ombudsman, napag-alaman na nagkaroon ng relasyon at anak sa ibang babae si Altavas, Aklan Mayor Denny Refol kahit pa kasal na ito.

 

Giit naman ni Refol, sa panahon ngayon aniya ay iilan na lang ang public officials na walang mga mistress o kabit.

 

Nanindigan din ang alkalde na matagal na niyang hindi nakikita ang babae.

 

Gayunpaman, ayon sa Ombudsman malinaw ang naging paglabag ni Refol sa disgraceful and immoral conduct dahil na rin sa pag-amin nitong nagkakaroon siya ng relasyon at nagkaanak pa sa ibang babae.



Facebook Comments