UMINGAN, PANGASINAN – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Umingan ang pagpopositibo ng alkalde ng bayan nitong si Mayor Michael Carleone Cruz sa sakit na COVID-19.
Kahapon, September 3, 2021 ay inilabas ang nasabing opisyal na pahayag via official Facebook page ng munisipalidad at inanunsyong sa ngayon ay naka-quarantine nga ang alkalde.
Hinihingi naman ng LGU na isali ito sa mga dasal at pag-ibayuhin din umano ang pag-iingat sa sarili sa gitna pa rin ng nararanasang pandemya.
Inaasahan din umano ang buong kooperasyon ng mga residente para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Facebook Comments