Alkalde sa Sultan Kudarat Province pinabulaanang pag aari ang pampasabog na narekober sa kanyang bahay

Mariing itinanggi ni Mayor Abubakar Maulana ng Palembang Sultan Kudarat Province na sa kanya ang granadang narekober ng mga otoridad kasunod ng pag-raid ng mga pulis sa kanyang bahay sa barangay Kulong kulong sa bayan ng Palembang.
Naniniwala ang alkalde na planted ang sinasabing natagpuang pampasabog na umanoy nakita sa folding bed sa kwarto ng kanyang katiwala. Dagdag nito nilabag umano ng mga pulis ang rules of engagement nang pasukin ang kanyang bahay.
Itinanggi din ni Mayor Maulana na mayroon siyang private army taliwas sa naging pahayag ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Police Senior Superintendent Raul Supiter.
Pinabulaanan din nito na pinagkukutaan ng mga tagapanalig ng Isis Inspired group na Ansar Kilafa Philippines ang kanilang lugar. Nakahanda umanong sagutin ng kanyang kampo ang kaso sa kanila ng PNP. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments