All out pursuit operation laban sa mga NPA na responsable sa pananambang sa mga health workers sa Samar, inutos ni PNP chief

90

Ikinakasa ng Philippine National Police (PNP) ang all out pursuit operations laban sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) matapos tambangan ang mga health workers na kukuha ng mga COVID-19 vaccines sa Samar.

Bukod dito inutos rin ni PNP Chief General Guillermo Eleazar kay PNP Region 8 Regional Director BGen. Ronaldo de Jesus na simulan ang legal offensive hindi lamang sa mga nagsagawa ng pananambang kundi maging sa mga lider ng CPP-NPA-NDF.


Batay sa ulat ng PNP Region 8, kamakalawa ng hapon ng mangyari ang pananambang sa mga medical frontliners at mga pulis na nakatalaga sa Calbayog City Police Station sa Barangay Lale, Pinabacdao, Samar habang bumabyahe sila patungo ng DOH Regional Office sa Tacloban.

Walang nasugatan at nasawi sa pananambang.

Facebook Comments