Aklan – All set na ang dry run ng pagbubukas ng isla ng Boracay ngayong araw.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda, layon ng dry run na matukoy kung mayroon pang mga pagkukulang sa pagpapatuloy na rehabilitasyon ng Boracay.
Aniya, asahan na ang maliit na serimonya ngayong araw na pangungunahan ng mga residente sa Boracay.
Tiniyak ng DENR na hihigpitan na ang pagpasok ng mga turista sa Boracay.
Plano rin ng DENR na mamahagi ng tap cards o ID sa mga lokal na residente at mga turista para maging kontrolado ang mga pagpasok doon.
Facebook Comments