Nakaposte na sa iba’t-ibang lugar ang mga security personnel.
Bago makapasok ang mga manonood sa Athletic Stadium, dalawang beses silang dadaan sa inspeksyon.
Ilan sa mga nakatakdang mag-perform ay sina Arnel Pineda, Apl De Ap at ang Black Eyed Peas.
Mayroon ding dance performance ang Aeta Festival Dancers of Porac.
Muli ring paparada ang mga Atleta mula sa 11 bansang lumahok.
Magsisilbing flag bearer ang hero surfer na si Roger Casugay.
Highlight din ang extinguising o pagpapatay sa apoy sa kawa o cauldron bilang simbolo ng pagtatapos ng SEA Games.
Magkakaroon din ng fireworks display at drone show.
Ipapasa na rin ang SEA Games Flag sa susunod na host country Vietnam.
Pinapayuhan ang mga manonood na agahan ang pagpunta dahil alas-5:00 mamayang hapon ay magsisimula na ang pre-program habang alas-6:00 ang pormal na pagsisimula ng programa.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na libre ang entrance sa Closing Ceremony.