ALL SET NA | Gilon Gilon ed Baley 2018 puspusang pinaghandaan!

Ngayong araw ay tiyak na mamamangha na naman ang bawat mata ng mga manonood na makasasaksi sa taunang Gilon Gilon ed Baley na programa ng pamahalaan ng Dagupan City sa tuwing sumasapit ang buwan ng Abril sa pagdiriwang ng Bangus Festival.

Dahil dito, inilabas na ng city government ang listahan ng grupo o mga contingents. Ang Cluster 1 na binubuo ng distrito ng Mangin na siya ring lider ng grupo, Tebeng, Salisay, Mamalingling, Bolosan, Tambac, at Bonuan Binloc. Para naman sa Cluster 2 ay kabilang ang Barangay 2 at 3 na lider, Barangay 1, Barangay 4, Tapuac, Poblacion Oeste, at Bonuan Gueset. Sa Cluster 3 naman ay Pugaro ang mangunguna, kasama nito ang Calmay, Carael, Pantal, Lomboy, Bonuan Boquig, at Salapingao. Cluster 5 ang distrito ng Pogo Grande na mamumuno sa grupo, Malued, Lucao, Pogo Chico, Lasip Chico, at Lasip Grande. Ang groupings per contingent ay ayon sa What’s Up Dagupan, ang official facebook page ng lungsod.

Bawat kalahok ay umaasang maiuuwi nila ang tropeyo kasama ang karangalang irepresenta ang Dagupan para sa Festivals of the North. Puspusang pag-e-ensayo ang isinagawa ng mga kalahok para sa patimpalak ngayong araw.


Ang pamahalaang panglunsod ay patuloy na nagpapaanyaya sa mga Dagupeño, bisita galing sa mga karatig-bayan, probinsya, at iba pang mga turista para dumayo at makisaya sa Bangus Festival 2018.

Ulat mula kay Melody Dawn C. Valenton
Photo credited to dagupan.gov.ph

Facebook Comments