ALL SET NA | Seremonya sa pagbabalik ng Balangiga bells, plantsado na

All set na ang Balangiga church sa magiging daloy at patakaran sa seremonya ng pagbabalik ng tatlong kampana sa probinsiya sa Sabado, Disyembre 15.

Ayon kay father Lentoy Tybaco na parish priest ng Balangiga church, kasabay ng formal turnover ay magkakaroon din ng thanksgiving mass.

Aniya, inaasahan nilang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal ng pamahalaan at anim na obispo ang turnover ng mga kampana.


Gayumpaman, wala pang tiyak na oras ang gagawing mga aktibidad dahil hindi pa natutuloy ang pagpupulong ng parokya at lokal na pamahalaan ng Balangiga sa presidential management staff.

Mahigit isang siglo o 117 taong nawala sa Balangiga ang tatlong kampana na tinangay bilang war trophy ng mga Amerikanong sundalo.

Facebook Comments