“ALL TIME HIGH” | Nakararaming Pilipino, positibo sa pagpasok ng Bagong Taon

Manila, Philippines – Positibo ang mas nakararaming Pilipino sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 96% ng mga Pilipino ang may pag-asa sa pagsalubong sa 2018.

Pero ayon sa SWS, lagi namang mataas ang pag-asa ng mga Pilipino tuwing Bagong Taon at itinuturing ito na “all time high” mula nang isagawa ang kaparehong survey noong 2000.


Samantala, 4% naman ang sasalubungin ang 2018 nang may takot.

Isinagawa ng SWS ang survey mula December 8 hanggang 16 sa 1,200 katao sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments