ALL-TIME HIGHEST COVID CASE SA LOOB LAMANG NG ISANG ARAW, NAITALA SA BAYAN NG BANI

BANI, PANGASINAN – Naitala ng bayan ng Bani kahapon ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa loob lamang ng isang araw.

Ito ay ayon sa inilabas na COVID-19 bulletin ng Pamahalaang Lokal via Facebook kung saan mayroong 25 panibagong kaso ng deadly virus sa bayan.
Karamihan daw sa mga ito ay close contact ng positive at pami-pamilyang nahawa sa carrier ng virus.

Nasa kabuuang 139 naman ang aktibong kaso rito as of September 12, 2021.


Bunsod nito ay isinailalim sa lockdown ang Burgos St., sa Poblacion, mula September 12-19 at tanging APOR sa bahay na walang kumpirmadong positibo lamang ang maaaring lumabas.

Sa ngayon, may hinihintay pang 142 RT-PCR results ang LGU.

Paalala naman ng lokal na pamahalaan na huwag magpakampante bagkus ay maging responsable na APOR.

Facebook Comments