ALLIANCE OF CONCERN TEACHERS, PABOR SA KANSELASYON NG PUV MODERNIZATION PROGRAM NG PAMAHALAAN

Kung ang Alliance of Concerned Teachers ang tatanungin, ang kanselasyon ng PUV modernization program ang pinakamainam na gawin ngayon ng pamahalaan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay ACT Partylist Representative France Castro, ito ang mainam na gawin ng pamahalaan dahil sa ilang mga problema na nakita sa usapin ng PUV Consolidation.
Aniya hindi pa kayang magtagumpay ng programa sa ngayon dahil sa nasabing mga problema at malaking porsyento pa rin ang hindi pa talaga kasali sa consolidation.

May mga ilang mga ilang isyu pa aniya na kailangan linawin kaugnay dito lalo pa at kakaumpisa pa lang ng pagdinig ng house of representatives kaugnay dito.
Isa naman itong welcome development sa hanay ng transport sector na kumukontra sa nasabing usapin. |ifmnews
Facebook Comments