ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS, UMAASANG HINDI IVETO NI PANGULONG BONGBONG MARCOS ANG ILANG PROBISYON NG KONTROBERSIYAL NA MAHARLIKA INVESTMENT FUND

Umaasa ang Alliance of Concerned Teachers na hindi i veto ni Pangulong Bongbong Marcos ang Ilan sa mga probisyon ng kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Alliance of Concerned Teachers o ACT PartyList Representative France Castro, may mga ulat kasi na kulang pa ang Ilan sa mga pagkukunan ng pondo ng MIF kung saan ay nauna na ding sinabi noon na hindi magagalaw ang mga pinaghirapang ipunin ng mga mamamayan lalo ng mga ordinaryong manggagawa.
Masyado aniya ding minadali ang pagpapasa nito kung saan Sana ay nagkaroon pa ng pagkakataon na mapag usapan ito sa mga deliberasyon ng mga mambabatas.

Ang kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund Bill ay pumasa na sa Senado at Kamara kung saan ay pirma na lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang hinihintay upang ito ay maging isang ganap na batas. |ifmnews
Facebook Comments