Monday, January 19, 2026

Allocables na may kapalit na komisyon o kickback, walang pinag-iba sa attempted o planned robbery ayon sa isang senador

Iginiit ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na ang “allocables” na may mga komisyon o kickback ay walang pinagkaiba planado o tangkang pagnanakaw.

Ito ang binigyang-diin ni Lacson sa harap na rin ng pagsilip ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga dokumentong iniwan ng yumaong si dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral o ang tinatawag ngayon na Cabral files.

Ayon kay Lacson, kung ang isang mambabatas ay nagsumite ng “wishlist” o allocables para sa mga popondohang proyekto na wala namang katiyakang mapopondohan sa budget at kung ang intensyon ay makakuha ng komisyon, posibleng maitulad aniya ito sa planado o pagtatangkang pagnanakaw.

Gayunman, nilinaw ni Lacson na walang problema kung may hiniling na pondo o nagpasok ng amyenda ang isang mambabatas basta’t ito ay dumaan sa pagaaral na bahagi ng kanilang tungkulin pero hindi ito dapat ginagawa habang binubuo pa lang ang National Expenditure Program (NEP).

Facebook Comments