Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) na unahin ang pamimigay ng allowance at benepisyo sa lahat ng health workers sa bansa.
Kasunod ito ng kabi-kabilang protesta ng ilang grupo dahil sa pagka-delay ng kanilang natatangap na benepisyo mula sa gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat nang asikuasuhin nina Health Secretary Francisco Duque III at Undersecretary Leopoldo Vega ang pagbibigay benepisyo sa mga health workers.
Pero ito ay kung mayroon pang sapat na pondo ang gobyerno.
Sa ngayon, naipalabas na ang P15 billion para sa mga ospital kung saan nakapaloob ang special risk allowance at hazard pay mula sa Bayanihan 2 law.
Facebook Comments