Allowance ng CCT beneficiaries, nadagdagan ayon sa DBM

Manila, Philippines – Inanunsiyo ni Budget Secretary Benjamin Diokno na madaragdagan nanaman ng 200 piso ang buwanang allowance ng mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program mula sa 2400 pesos.
Ayon kay Diokno, sa ilalim ng 2018 national budget na isinumite ng ehekutibo sa kongreso ay manggagaling sa kikitain ng tax reform package ang 25.7 bilyon piso na pondo para sa CCT.
Sa ngayon aniya ay umaabot sa 4.4 na milyong mahihirap na Pilipino ang benepisyaryo ng CCT na mahigpit naman aniyang mimomonitor ng Pamahalaan kung talangang naiaangat ang buhay ng mga ito.
Sinabi ni Diokno na may karagdagan ding 89.4 billion pesos ang inilaan sa 2018 national budget para sustentuhan ang pagpapatuloy ng CCT.

Facebook Comments