Allowance ng mga reservists, pinadadagdagan

Manila, Philippines – Pinadadagdagan ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang allowance ng mga kabilang sa Citizen Armed Force o mga reserved forces ng AFP.

Giit ni Batocabe, hindi biro ang tungkulin ng mga sundalo ng bansa na ipagtanggol ang mamamayan lalo na sa mga terorista.

Partikular na tinukoy ni Batocabe ang sitwasyon ngayon ng mga sundalo sa Marawi City na pinasok ng Maute group at sinundan ng deklarasyon ng Pangulong Duterte ng martial law sa Mindanao.


Sa House Bill 807 o “An Act Providing for Allowances for the Members of the Citizens Armed Forces of the Philippines” na inihain ni Batocabe ay itataas sa 3 libong piso kada buwan ang allowance para sa mga reserve forces.

Kapag naisabatas ay makakatanggap din ang mga reservists ng 1libong pisong daily hazard pay sa oras ng active duty.

Sakaling kulangin kasi ng military force sa Marawi ay tiyak na ang reserved forces na kinabibilangan ng Ready Reserve, Standby Reserve, at Retired Services ang ipapadala sa Mindanao.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments