Allowances ng healthcare workers, malabo pa rin

Aminado ang Department of Health (DOH) na hinahanapan pa ng pondo ang para sa cash allowances ng healthcare workers.

Ayon sa DOH, binawi muna kasi ang naunang pondo na nakalaan sa allowance ng healthcare workers matapos silang makatanggap ng report na hindi nagagamit ng DOH hospitals ang perang inilabas ng departamento.

Ito ay nakalaan sana para sa allowances sa transportation, meals at accommodation ng mga healthcare workers.


Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na marami kasi sa mga ospital ng pamahalaan ang hindi nakapamahagi ng mga nasabing mga allowances dahil sa pagsunod sa ilang patakaran sa procurement at fund utilization kaya nagdesisyon sila na bawiin muna ito.

Inamin ni Vergeire na ang binawing pondo ay ginamit muna sa pagbili ng COVID-19 test kits at iba pang mga gamit sa COVID-19 response.

Facebook Comments