Alok kay Vice President Leni Robredo na maging ‘Drug Czar,’ hindi dapat ituring na insulto

Mariing itinanggi ng Malacañan na isang insulto ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na pamunuan ang kampanya kontra ilegal na droga.

Ipinakita pa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang personal na pagtawag nito sa cellphone ni VP Robredo subalit hindi ito sumagot

Ipinakita rin ni Panelo ang kanyang ipinadalang text message tungkol sa alok ng Pangulo.


Gusto niyang abisuhan si Robredo bilang kaibigan.

Nais aniya ng Pangulo na bigyan ng pagkakataon si Robredo na resolbahin ang isyu sa droga.

Nauna nang sinabi ni Robredo na wala siyang natatanggap na text message mula kay Panelo.

Kung talaga aniyang seryoso ang Palasyo sa alok sa kanya, hindi dapat idinadaan sa text.

Giit pa ni Robredo, kung hindi siya kayang igalang bilang tao, igalang man lang sana ang kanyang posisyon.

Tanong pa ng Bise Presidente, kung hindi palpak ang drug war ay bakit ipapasa sa kanya ang trabaho.

Para kay dating Senior Associate Justice Antonio Carpio, may legal na basehan ang alok ng Pangulo kay Robredo pero dapat gawin itong opisyal ng Malacañan sa pamamagitan ng liham.

Facebook Comments